"Saan man sa iyong paglalakbay, huwag kalimutang lumingon at tamasahin ang tanawin."
Ang Amaya View ay ang pinakabagong patutunguhan na matatagpuan sa pinakamataas na rurok ng City of Golden Friendship. Ito ay matatagpuan sa Indahag Road Sitio Santo Nino, Indahag Hillis sa Cagayan de Oro.
“Tumakas sa gulo ng lungsod at mag enjoy sa sariwang hangin at nakakamamanghang tanawin sa Amaya.”
Ang resort na ito ay nababalutan ng isang amusement park, restawran, café, at isang replica ng sikat na biblikal na arko! Sa loob lamang ng 20 minutong biyahe mula sa bayan, tiyak na magkakaroon ang mga bisita ng hindi malilimutan at natatanging karanasan sa pambihirang lugar na ito sa Lungsod ng Cagayan de Oro.
Front Desk
Habang abala ang mga magulang namin sa pag-uusap sa tao sa front desk. Talagang nakakarelax manood sa mga koi fish sa mini-pond na ito. Madadaanan ito papuntang front desk at waiting area. Naghintay din kami dito sa paparating na shuttle car na maghahatid sa amin sa Noah's Arc.
Mahaba-haba din ang nalakbay ng shuttle car papuntang Noah's Arc.
Noah's Arc
Ang Noah's Arc ay isang restawrant sa tuktok ng resort. Mayroon itong hardin na napapalibutan ng mga hayop na estatwa.
Mini Zoo
Ang mga tigreng sina Java at Max ang pangunahing atraksyon ng mini zoo.
Sa baba ng arko makikita ang mini zoo.
Larry's Hill
Ang mga transformer, paragliding, zipline, ball pit, ATV, at iba pang mga aktibidad sa pag-teambuilding ay ang dahilan kung bakit ang Larry's Hill ay saktong lugar sa pag-eenoy.
Halina't gumala sa Amaya View ng CDO
Pinahahalagahan ng Amaya View ang mga pangangailangan, kasiyahan, at kaligtasan ng mga bisita. Isang one-stop na patutunguhan para sa lahat, na patuloy pa rin sa pag-unlad upang mas mahusay na maihatid ang kasiyahan sa mga bisita.
Comments