"U ang ilog, ang mundo ay bilog, pumunta na sa U River at tingnan ang gandang handog."
Ang Bigaan U River, kilala rin bilang Nature's Horseshoe Bend na makikita sa itaas ng daang talampakang talampas sa Baliangao, Misamis Occidental ay isa na ngayong sikat na tourist spot sa lalawigan.
“Likod ng isang masayang ngiti ay kagandahan ng kalikasan.”
Natuklasan ito ng mga lokal sa Sitio Mabini maraming taon na ang nakalilipas. Ang hugis-U na ilog na dating nai-post sa Facebook noong 2017 ay nag trending. Kaya't ang mga manlalakbay, litratista, blogger o vlogger mula sa iba't ibang sulok ng mundo ay dumadayo sa kamangha-manghang natatanging obra maestra ng kalikasan.
Nagtungo kaming magbabarkada sa Bigaan U River noon ika-17 ng Mayo taong 2019.
Malayo-layo din ang aming tinahak patungong talampas.
Dahil sa mahirap medyo ang daan, hindi iyon isang hiking kundi nag trekking kami. Talagang magbaon kayo ng tubig, pagkain, pamunas at kamiseta sapagkat nakakapagod ang proseso papunta sa taas. Tsaka may kamahalan ang tubig na ibinebenta sa resting station kaya makakatipid kapag magdadala ng sariling pangangailangan.
Payo ko po sa inyo na pumunta doon ng maaga dahil masakit ang sinag ng araw.
Dapat po ninyong malaman bago po kayo pumunta doon na mahaba-haba po ang trekking na inyong gagawin.
Maganda para sa akin ang trekking experience dahil nag eehersisyo ka na, mabubusog pa ang inyong mga mata sa napaka breathtaking na tanawin.
Worth it naman po ang trekking dahil napaka ganda ng view sa taas.
Sinama ko po ang aking nakatatandang kapatid sa paggala.
Gumala sa U River Deck View
Mapapa-wow sa mala world class na ganda ng U River at idagdag ito sa iyong bucket list sa pagtuklas ng Mindanao.
Comments