top of page
Writer's pictureRoselle Ann A. Baluat

Bless Amare Sunrise Resort

Updated: Oct 23, 2020

"Hayaang tumama ang mga alon sa iyong mga paa at maging buhangin ang iyong higaan."



Ang Bless Amare Sunrise Resort o kilala din bilang Sunrise Beach Resort ay isang magandang puting buhanging dalampasigan na matatagpuan sa Barangay Tugas, Baliangao, Misamis Occidental.



“Magtampisaw sa malinaw na tubig-dagat at puting buhangin ng Bless Amare.”


Nakamamangha ang cove na nakatago sa gitna nang magkabilang dulo ng coral rocks at mga bangin.



Talagang mag-eenjoy ang mga kabataan na kumuha ng litrato sa napaka gandang tanawin na hatid ng coves at puting buhangin.



Nagtungo kami mag babarkada sa Sunrise Beach Resort noong ika-20 ng Mayo taong 2019. Dahil nga ay summer break namin noon ay nagpasya kaming gumala para naman makapag pahinga sa pagod ng pag-aaral.



Naging chaperone ko ang aking nakatatandang kapatid kasi takot pa ang aking ina noon na gumala ako walang kasama na pamilya. Okay nga naman kasi mayroon kaming naging taga kuha ng larawan.



Maraming mga gala na aso at pusa sa beach resort. Na aliw talaga ako sa mga aso kasi hindi sila natatakot lumusong sa tubig. Ang pusa naman doon ay maamong nahahawakan.




Gumala sa Bless Amares Sunrise Beach Resort


Ang resort ay may marami pang mai-aalok bukod sa kanyang turkesa na tubig, puting buhangin na baybayin, at yaman ng buhay-dagat. Ito ay isang mapayapang lugar na nagpapalabas ng simpleng kagandahan ng kalikasan na kung saan ay pwede kang makatakas sa pagod ng trabaho at pag-aaral.




41 views0 comments

Recent Posts

See All

Amaya View

Comments


bottom of page